Revelation 3:7-13 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Filadelfia - Bible Reading

Hot

Revelation 3:7-13 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Filadelfia


(7) "At sa anghel ng iglesya sa Filadelfia ay isulat mo: "Ang mga bagay na ito ang sinasabi ng banal, ng totoo, na may susi ni David, na nagbubukas at hindi maisasara ng sinuman, na nagsasara at walang makakapagbukas.

(8) "Alam ko ang iyong mga gawa. Tingnan mo, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintong bukas, na hindi maisasara ng sinuman. Alam kong ikaw ay may kaunting kapangyarihan, ngunit tinupad mo ang aking salita, at hindi mo itinakuwil ang aking pangalan.

(9) Ibinibigay ko sa mga sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nagsisinungaling: sila'y aking papupuntahin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at malalaman nilang ikaw ay aking inibig.

(10) Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.

(11) Ako'y dumarating na madali; panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang walang makaagaw ng iyong korona.

(12) Ang magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan.

(13) Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.