1 John 5:6-13 ~ Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan - Bible Reading

Hot

1 John 5:6-13 ~ Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan


(6) Ito ang siyang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, si Jesu-Cristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.

(7) Sapagkat may tatlong nagpapatotoo: (8) ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlo ay nagkakaisa.

(9) Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay higit na dakila ang patotoo ng Diyos, sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na siya’y nagpapatotoo tungkol sa kanyang Anak.

(10) Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos ay ginagawa siyang sinungaling, sapagkat hindi siya sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.

(11) At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak.

(12) Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.

(13) Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo upang inyong malaman na kayo’y mayroong buhay na walang hanggan sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.

No comments:

Post a Comment