Jude 1:17-23 ~ Patatagin at ingatan ang sarili sa pag-ibig ng Diyos - Bible Reading

Hot

Jude 1:17-23 ~ Patatagin at ingatan ang sarili sa pag-ibig ng Diyos


(17) Ngunit kayo, mga minamahal, alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi noong una ng mga apostol ng ating Panginoong Jesu-Cristo,

(18) sapagkat sinabi nila sa inyo, "Magkakaroon ng mga manlilibak sa huling panahon, na lumalakad ayon sa kanilang sariling masasamang pagnanasa."

(19) Ang mga ito ang lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, mga taong makamundo, na mga hindi nagtataglay ng Espiritu.

(20) Ngunit kayo, mga minamahal, patatagin ninyo ang inyong sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya; manalangin sa Espiritu Santo;

(21) ingatan ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos, na inyong hintayin ang habag ng ating Panginoong Jesu-Cristo tungo sa buhay na walang hanggan.

(22) At ang ibang nag-aalinlangan ay inyong kahabagan;

(23) ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo mula sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan maging ang damit na nadungisan ng laman.