Partikular na binanggit sa Pahayag 1:1, 4, 9 at 22:8 na si Apostol Juan ang manunulat ng aklat.
Panahon ng Pagkasulat:
Ang Aklat ng Pahayag ay isinulat sa pagitan ng A.D. 90 at 95.
Layunin ng Sulat:
Ang Pahayag ni Hesu Kristo ay ipinagkaloob ng Diyos kay Juan "upang ipakita sa kanyang mga lingkod ang magaganap sa hinaharap." Ang aklat na ito ay puno ng misteryo tungkol sa mga bagay na darating. Ito ay huling babala na ang mundo ay tiyak na magwawakas ay tiyak na mangyayari ang paghuhukom ng Diyos. Nagbigay ito ng kaunting sulyap sa langit at sa kaluwalhatian na naghihintay sa mga nagpapanatiling maputi ang kanilang kasuutan. Ipinahayag sa Aklat ng Pahayag ang katotohanan ng "dakilang kapighatian" at ipinapakita din ang lahat ng dulot nitong kalungkutan at sa walang hanggang apoy na pagdadalhan sa mga hindi mananampalataya upang dumoon sila sa habang panahon. Inulit-ulit sa Aklat ng Pahayag ang pagbagsak ni Satanas at ang kanyang huling hantungan kasama ang kanyang mga anghel. Ipinakikita sa atin ng aklat ang tungkulin ng lahat ng nilalang at ng mga anghel sa langit at ang mga pangako ng Diyos para sa mga mananampalataya na mananahan sila sa Bagong Jerusalem kasama ng Panginoong Hesus magpakailanman. Gaya ng sinabi ni Juan, napakahirap na ilarawan sa salita ang ating matutunghayan sa Aklat ng Pahayag.
Mga Susing Talata:
Pahayag 1:19, "Kaya't isulat mo ang iyong nakikita, ang nangyayari ngayon at ang mangyayari pa."
Pahayag 13:16-17, "Sapilitang pinatatakan ng halimaw, sa kanang kamay o noo, ang lahat ng tao---dakila at aba, mayaman at mahirap, alipin at malaya. At walang maaaring magbili o bumili maliban na may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon."
Pahayag 19:11, "Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo pagkat matuwid siyang humatol at makidigma."
Pahayag 20:11, "Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaluklok doon. Naparam ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli."
Pahayag 21:1, "Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa; wala na rin ang dagat."
Maiksing Pagbubuod:
Punong-puno ang Aklat ng Pahayag ng makukulay na paglalarawan sa mga pangitain na nagpapakita sa atin ng mga magaganap sa huling panahon bago ang muling pagparito ni Kristo gayundin ang paglalang sa Bagong Langit at Bagong Lupa. Nagsimula ang Aklat ng Pahayag sa mga sulat sa pitong iglesya sa Asya Menor, at nagpatuloy sa paghahayag ng serye ng pagkawasak na mararanasan sa buong mundo; ang tatak ng halimaw, "666"; ang huling labanan ng Armageddon; ang pagtatali kay Satanas; ang paghahari ng ating Panginoon; ang Dakilang Paghuhukom sa Puting Trono; at ang kalikasan ng walang hanggang siyudad ng Diyos. Naganap na ang lahat ng hula tungkol kay Hesu Kristo at ang Kanyang pagiging Panginoon ang nagbibigay sa atin ng katiyakan na muli siyang paparito upang hanguin tayo.
Koneksyon sa Lumang Tipan:
Nasa Aklat ng Pahayag ang katuparan ng lahat ng mga hula tungkol sa mga magaganap sa huling panahon na nagumpisa sa Lumang Tipan. Ang paglalarawan sa Anti Kristo na nabanggit sa Daniel 9:27 ay ganap na nahayag sa ika-labintatlong (13) kabanata ng Pahayag. Bukod sa Aklat ng Pahayag, ang iba pang mga sitas sa Bibliya kung saan tinalakay ang mga magaganap sa huling panahon ay ang Daniel 7-12, Isaias 24-27, Ezekiel 37-41, at Zacarias 9-12. Ang lahat ng mga hulang ito ay nagkaroon ng katuparan sa Aklat ng Pahayag.
Praktikal na Aplikasyon:
Tinanggap mo na ba si Hesu Kristo bilang iyong Tagapagligtas? Kung oo, hindi mo dapat katakutan ang paghuhukom ng Diyos na inilarawan sa Aklat ng Pahayag. Kakampi natin ang ating Hukom. Bago maganap ang Huling Paghuhukom, dapat tayong magbahagi ng Ebanghelyo sa ating mga kaibigan at sa ating kapwa tungkol sa buhay na walang hanggan na maaaring makamtan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu Kristo. Dapat tayong mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos upang mapansin ng iba ang taglay nating kagalakan tungkol sa hinaharap at sa gayon ay makasama natin Siya sa isang bago at maluwalhating siyudad.
Ang bahaging ito sa itaas ay halaw sa Got Questions https://www.gotquestions.org
Balangkas ng Aklat ng Pahayag kay Juan
Panimula at maikling-buod
Revelation Chapters 1
Revelation 1:1-8 ~ Panimula, pagbati sa pitong Iglesya at pagpapala
Revelation 1:9-20 ~ Ang pangitain ni Juan tungkol kay Jesu-Cristo
Revelation Chapter 2
Revelation 2:1-7 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Efeso
Revelation 2:8-11 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Smirna
Revelation 2:12-17 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Pergamo
Revelation 2:18-29 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Tiatira
Revelation Chapter 3
Revelation 3:1-6 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Sardis
Revelation 3:7-13 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Filadelfia
Revelation 3:14-22 ~ Ang sulat sa Iglesya sa Laodicea
Revelation Chapter 4
Revelation 4:1-11 ~ Pananambahan sa langit
Revelation Chapter 5
Revelation 5:1-14 ~ Ang isang aklat na may sulat sa loob at sa likod na may pitong tatak
Revelation Chapter 6
Revelation 6:1-17 ~ Ang Pitong Tatak
Revelation Chapter 7
Revelation 7:1-8 ~ Ang 144,000 na tinatakan mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel
Revelation 7:9-17 ~ Mga iniligtas na nakasuot ng mapuputing damit
Revelation Chapter 8
Revelation 8:1-5 ~ Ang ikapitong tatak at ang gintong lalagyan ng insenso
Revelation 8:6-13 ~ Hinipan ng apat na anghel ang kanilang trumpeta
Revelation Chapter 9
Revelation 9:1-11 ~ Hinipan ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta
Revelation 9:13-21 ~ Hinipan ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta
Revelation Chapter 10
Revelation 10:1-11 ~ Ang makapangyarihang angel at ang maliit na aklat
Revelation Chapter 11
Revelation 11:1-14 ~ Ang dalawang saksi na magpapahayag ng propesiya sa loob ng 1,260 araw
Revelation 11:15-19 ~ Hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta
Revelation Chapter 12
Revelation 12:1-6 ~ Ang Babae at ang Dragon
Revelation 12:7-17 ~ Pagtatagumpay ni Miguel at ng mga angel sa pakikipaglaban sa dragon
Revelation Chapter 13
Revelation 13:1-10 ~ Ang Unang Halimaw na may mga pangalan ng kalapastanganan
Revelation 13:11-18 ~ Ang Ikalawang Halimaw na katulad ng isang kordero
Revelation Chapter 14
Revelation 14:1-5 ~ Ang Kordero at awit ng mga tinubos
Revelation 14:6-13 ~ Ang mensahe ng Tatlong Anghel
Revelation 14:14-20 ~ Paggapas sa daigdig at ang malaking pisaan ng ubas
Revelation Chapter 15
Revelation 15:1-8 ~ Ang pitong anghel na may pitong salot
Revelation Chapter 16
Revelation 16:1-16 ~ Ibubuhos sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos
Revelation 16:17-21 ~ Ibinuhos ng ikapitong anghel ang kanyang mangkok
Revelation Chapter 17
Revelation 17:1-18 ~ Ang Reyna ng Kahalayan at ang Halimaw
Revelation Chapter 18
Revelation 18:1-24 ~ Ang malagim na pagbagsag ng dakilang Babilonia
Revelation Chapter 19
Revelation 19:1-10 ~ Mapapalad ang mga inanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero.
Revelation 19:11-21 ~ Ang Tapat at Totoo ay nakasakay sa isang kabayong puti
Revelation Chapter 20
Revelation 20:1-10 ~ Mapalad at banal ang may bahagi sa unang pagkabuhay na muli
Revelation 20:11-15 ~ Hahatulan ang mga patay at mga tao ayon sa kanilang ginawa
Revelation Chapter 21
Revelation 21:1-8 ~ Ang bagong langit at ang bagong lupa
Revelation 21:9-27 ~ Pagsasalarawan sa bagong lungsod ng Jerusalem
Revelation Chapter 22
Revelation 22:1-5 ~ Ang ilog ng tubig ng buhay at ang punongkahoy ng buhay
Revelation 22:6-11 ~ Si Juan at ang ang anghel: hindi marapat na sambahin ang anghel
Revelation 22:12-17 ~ Paanyaya ni Jesu-Cristo, ang Alpha at Omega
Revelation 22:18-21 ~ Babala sa magdaragdag at magbabawas sa mga salita ng propesiya
Kung ikaw ay may mungkahi upang mas maunawaan ang Aklat ng Pahayag kay Juan, ikomento sa ibaba. Maraming salamat po.