(12) "Ako'y malapit nang dumating at dala ko ang aking gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.
(13) Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas."
(14) Mapapalad ang naghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay at makapasok sa lunsod sa pamamagitan ng mga pintuan.
(15) Nasa labas ang mga aso, mga mangkukulam, mga mapakiapid, mga mamamatay tao, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang bawat umiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
(16) 'Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesya. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga."
(17) Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, "Halika." At ang nakikinig ay magsabi, "Halika." At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.