Revelation 14:1-5 ~ Ang Kordero at awit ng mga tinubos - Bible Reading

Hot

Revelation 14:1-5 ~ Ang Kordero at awit ng mga tinubos


(1) Pagkatapos ay tumingin ako, at naroon ang Kordero na nakatayo sa bundok ng Zion! Kasama niya ang isang daan at apatnapu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kanyang Ama, na nakasulat sa kanilang mga noo.

(2) At narinig ko ang isang tinig mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog; ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa.

(3) At sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit sa harapan ng trono, at sa harapan ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda. Walang sinumang natuto ng awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libo lamang, na tinubos mula sa lupa.

(4) Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang sarili sa mga babae; sapagkat sila'y malilinis. Ang mga ito'y ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya magtungo. Ang mga ito'y ang tinubos mula sa mga tao, bilang mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero.

(5) At sa kanilang bibig ay walang natagpuang kasinungalingan; sila'y mga walang dungis.