Bible Reading

Hot

Post Top Ad

1 John 4:1-6 ~ Higit na dakila ang Espiritu na nasa atin kaysa sa espiritu na nasa sanlibutan

August 13, 2018 0

(1) Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Diyos, sapagkat maraming lumitaw na mga bulaang propeta sa sanlibutan.

1 John 4:7-21 ~ Mag-ibigan tayo sa isa't-isa sapagkat ang pag-ibig ay sa Diyos

August 13, 2018 0


(7) Mga minamahal, mag-ibigan tayo sa isa't isa, sapagkat ang pag-ibig ay sa Diyos at ang bawat umiibig ay ipinanganak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.

(8) Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos; sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

(9) Dito nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin, sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

(10) Narito ang pag-ibig, hindi sa tayo'y umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kanyang Anak na pantubos sa ating mga kasalanan.

(11) Mga minamahal, kung tayo'y inibig ng Diyos nang gayon, nararapat na mag-ibigan din naman tayo sa isa't isa.

(12) Walang nakakita kailanman sa Diyos; kung tayo'y nag-iibigan sa isa't isa, ang Diyos ay nananatili sa atin, at ang kanyang pag-ibig ay nagiging sakdal sa atin.

(13) Dito'y nalalaman namin na kami'y nananatili sa kanya at siya'y sa amin, sapagkat binigyan niya kami ng kanyang Espiritu.

(14) At nakita namin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.

(15) Ang sinumang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananahan sa kanya, at siya'y sa Diyos.

(16) At ating nalaman at sinampalatayanan ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya.

(17) Dito'y naging ganap ang pag-ibig sa atin upang tayo'y magkaroon ng lubos na pagtitiwala sa araw ng paghuhukom;  sapagkat kung ano siya, ay gayundin naman tayo sa sanlibutang ito.

(18) Walang takot sa pag-ibig kundi ang sakdal na pag-ibig ay nagpapalayas ng takot, sapagkat ang takot ay may kaparusahan at ang natatakot ay hindi pa nagiging sakdal sa pag-ibig.

(19) Tayo'y umiibig sapagkat siya ang unang umibig sa atin.

(20) Kung sinasabi ng sinuman, "Iniibig ko ang Diyos," at napopoot sa kanyang kapatid, siya ay sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita.

(21) At ang utos na ito na mula sa kanya ay nasa atin, na ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.

1 John 5:1-5 ~ Paano makikilala ang tunay na anak ng Diyos?

August 12, 2018 0

(1) Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Diyos, at ang bawat umiibig sa magulang ay umiibig din naman sa anak.

(2) Dito’y ating nakikilala na iniibig natin ang mga anak ng Diyos, kapag iniibig natin ang Diyos at tinutupad natin ang kanyang mga utos.

(3) Sapagkat ito ang pag-ibig sa Diyos, na ating tuparin ang kanyang mga utos at ang kanyang mga utos ay hindi pabigat.

(4) Sapagkat ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan at ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.

(5) Sino ang dumadaig sa sanlibutan, kundi ang sumasampalatayang si Jesus ang Anak ng Diyos?

1 John 5:6-13 ~ Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan

August 12, 2018 0

(6) Ito ang siyang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, si Jesu-Cristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.

1 John 5:14-21 ~ Ang ipinanganak ng Diyos ay nag-iingat sa kanyang sarili

August 12, 2018 0

(14) Ito ang ating kapanatagan sa kanya, na kung tayo'y humingi ng anumang bagay na ayon sa kanyang kalooban, tayo'y pinapakinggan niya. 

(15) At kung ating nalalaman na tayo'y pinapakinggan niya sa anumang ating hingin, nalalaman natin na natanggap natin ang mga kahilingang hinihingi natin sa kanya. 

(16) Kung makita ng sinuman ang kanyang kapatid na nagkakasala ng kasalanang hindi tungo sa kamatayan, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Diyos ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala ng hindi tungo sa kamatayan. May kasalanang tungo sa kamatayan, hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin ninyo.  

(17) Lahat ng kalikuan ay kasalanan, at may kasalanang hindi tungo sa kamatayan. 

 (18) Alam natin na ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala; subalit ang ipinanganak ng Diyos ay nag-iingat sa kanyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama. 

(19) Alam natin na tayo'y sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama. 

(20) At alam natin na naparito ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pagkaunawa upang ating makilala siya na totoo; at tayo'y nasa kanya na totoo, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos, at buhay na walang hanggan. 

(21) Mga munting anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.

2 John: Ikalawang Aklat ni Juan - panimula, maikling-buod at balangkas

August 12, 2018 0

Manunulat: 
Hindi direktang tinukoy kung sino ang sumulat ng Aklat ng 2 Juan. Itinuturing ng tradisyon mula pa noong una na ang manunulat ng aklat na ito ay walang iba kundi si Apostol Juan. May mga ilang sapantaha sa pagdaan ng panahon na maaaring isa pang disipulo na nagngangalan ding Juan ang sumulat ng aklat. Gayunman, itinuturo ng lahat ng ebidensya na ang minamahal na alagad na si Juan ang sumulat ng Aklat ng 2 Juan.

Panahon ng Pagkasulat: 
Ang Aklat ng 2 Juan ay maaaring nasulat sa parehong panahon kung kailan isinulat din ang iba pang mga Aklat ni Juan, ang 1 at 3 Juan sa pagitan ng A.D. 85 at 95.

Layunin ng Sulat: 
Ang Aklat ng 2 Juan ay isang mahalagang pakiusap para sa mga mambabasa na ipakita ang kanilang pag-ibig sa Diyos at sa Kanyang Anak na si Hesus sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang utos na magibigan sa isa’t isa at mamuhay ayon sa Kasulatan. Ang Aklat ng 2 Juan ay isa ring babala laban sa mga bulaang guro na nagtuturo na hindi nabuhay na mag-uli si Hesus mula sa mga patay.

Mga Susing Talata: 
2 Juan 6: “Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo ayon sa pag-ibig. At ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos.”

2 Juan 8-9: “Mag-ingat nga kayo upang huwag mawala ang inyong pinagpaguran, kundi lubusan ninyong kamtan ang gantimpala. Ang hindi nananatili sa turo ni Cristo kundi nagdaragdag dito, ay hindi pinananahanan ng Diyos. Sinumang nananatili sa turo ni Cristo ay pinananahanan ng Ama at ng Anak.”

Maiksing Pagbubuod: 
Ang Aklat ng 2 Juan ay isinulat para sa ‘babaeng hinirang at kanyang mga anak.” Maaaring ang babaeng ito ay isang prominenteng miyembro ng iglesya o isang “secret code” na tumutukoy sa lokal na iglesya at sa mga miyembro nito. Sa panahong iyon, pinaguusig ang mga Kristiyano at kadalasang ginagamit nila ang mga “secret code” para sa kanilang proteksyon.

Ang pangunahing tema ng Aklat ng 2 Juan ay ang babala laban sa mga mandarayang guro na nagtuturo ng maling doktrina tungkol kay Kristo. Ang maling doktrinang itinutuwid ng aklat ay ang katuruan na hindi umano nabuhay ang pisikal na katawan ni Kristo kundi ang Kanya lamang espiritu. Lubhang nag-aalala si Juan para sa mga mananampalataya kaya’t minarapat niyang babalaan ang mga ito na huwag makinig at maniwala sa mga bulaang guro.

Koneksyon sa Lumang Tipan: 
Inilarawan ni Juan na hindi isang emosyon o pakiramdam lamang ang pag-ibig kundi pagsunod sa mga utos ng Diyos. Binigyan niya ng diin ang kahalagahan ng mga utos ng Diyos, lalo na ang “una at pinakadakilang utos,” ang pag-ibig sa Diyos (Deuteronomio 6:5) at ang ikalawang utos – ang pag-ibig sa isa’t isa (Mateo 22:37-40; Levitico 19:18). Hindi pinawalang bisa ni Hesus ang mga Kautusan sa Lumang Tipan bagkus, ginanap Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang pagsunod sa utos ng Ama.

Praktikal na Aplikasyon: 
Napakahalaga na suriin muna natin ang ating mga nakikita, naririnig at nababasa mula sa mga nagaangkin na sila ay “Kristiyano”. Kailangan itong bigyang pansin dahil pandaraya ang pinakamabisang sandata ni Satanas. Napakadaling makakumbinsi ng isang bago at nakakaakit na doktrina na sa biglang tingin ay ayon sa kasulatan ngunit kung susuriing mabuti ay matatanto na salungat at nagaakay sa tao papalayo sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Kung ang isang katuruan ay hindi malinaw na sumasang ayon sa Kasulatan, ang katuruang iyon ay mali at hindi mula sa Espiritu at hindi natin dapat na pakinggan at paniwalaan.

Ang bahaging ito sa itaas ay halaw sa Got Questions https://www.gotquestions.org

Balangkas ng Ikatlong Aklat ni Juan
Panimula at maikling-buod

2 John Chapter 1
2 John 1:1-13 ~ Lumakad sa katotohanan at sa pag-ibig sa isa't isa

Kung ikaw ay may mungkahi upang mas maunawaan ang Aklat ni Judas, ikomento sa ibaba. Maraming salamat po.